(Palawan. Luzon)

Ang Palawan ay kilala bilang tahanan ng mga katutubo at isa na rito ang katutubong Tagbanwa na matatagpuan mula (central) kalagitnaan hanggang norte ng isla ng lalawigan. Ang katutubong Tagbanwa ay mayroong natatanging istruktura ng pamamahala na pinangungunahan ng mga Bagerar (traditional leaders) sa pamumuno ng Masikampo.
Ang mga Bagerar ang nagpapatupad ng katutubong mga batas at nagunguna sa pagsasabuhay ng katutubong kultura at mga kagawian na itinataguyod ng aming tinatawag na Balyan o Cultural Masters / Bearers. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang aming mga cultural masters / Bearers ay dahan-dahan na ring nawawala at nababawasan dahil sa katandaan. Sa kasalukuyang henerasyon, ang mga kabataan ay kulang na sa kaalaman at pagkatoto sa katutubong kultura / mga kagawian at salita na pamana ng aming salinlahi.
Noong 2021 sa tulong ng isang NGO ay nagkaroon ng panimulang dokumentasyon sa pamamagitan ng pagtukoy at pagsusulat ng ilan sa mga mahahalagang ritwal ng Tagbanwa kasama ang paglista ng kasalukuyang mga Cultural masters. Dahil sa gawaing iyon, nakita ng mga nakatatanda at Bagerar ang kahalagahan ng pagsasalin ng mga kaalamang ito sa mga kabataan upang kanilang maunawaan ang importansya nito sa buhay naming mga katutubo, magamit ito sa tamang pamamaraan at maipagpatuloy ito sa mga sumusunod pang henerasyon.
Subalit ito ay nangangailangan pa rin ng suporta tulad ng pampamasahe ng mga Cultural Masters at karadagang mga kagamitan tulad ng gongs at’iba pa para may magagamit sa pagtuturo. Sa proyektong ito magpupulong ang mga Bagerar at Cultural masters upang makabuo ng isang plano para sa pagsasalin ng mahahalagang kultura at gagawa ng pamantayan na basehan sa pagtukoy at papili ng mga kabataan na sasanayin.
Layunin ng inisyatibang ito na makapagtukoy ng mga kabataang Tagbanwa na interesadong matoto ng katutubong kultura at may kaloobang magbahagi nito sa iba. Ang kabataang ito ay bubuohin bilang isang grupo sa pamayanan na kapapalooban ng 15-20 katao na sasanayin sa pagtugtug, pagsayaw, at pag-awit sa loob ng target na tagal ng proyekto. Kasabay nito ang mga kabataan ay huhubogin ng mga pangunahing kaalaman ukol sa kalagayan, tradisyon at kaugalian ng katutubong Tagbanwa upang sila ay magkaroon ng sapat na kakayahang magpaliwanag at magbahagi sa mga ito at itagoyud ang kahalagahan ng mga naiiwang pamana.
Leave a comment